Salamat sa THEME na ginamit ko! Isa itong personal blog ng isang feelingerong blogger. Emiel ang pangalan, ang Mr. Pogi ng bayan ng Baliuag.
Personal · Movie · Reblog · Reply · Publish · Dear Friend · Fandom · About Me · TV Series
paexplain naman yung game ng kada natin!! di ko getz
Anonymous

Once na isama ka sa 8 Bloggers kailangan mong sagutin yung 8 Questions na galing sa nag-recommend sayong blogger. Kailangan mo din mag-lagay ng 8 Random Facts. Then ikaw naman ang magre-recommend ng 8 bloggers (close mo or yung gusto mo pang makilala sa balikada) then mag-bibigay ka din ng 8 Questions para sa mga ni-recommend mo.

Parang yung mga chain messages sa text lang ang tema. Di ba uso sa text messages yung “Hi, dahil natanggap mo to kailangan mo tong ipasa sa 15 friends mo kundi mamamatay ka" Yung mga ganun po.

May tanong ako sayo.
Anonymous

Ano po yun? Ikaw yung may tanong pero ako yung nag-tanong huhuhu life is so unfair :))

Movie Challenge 242/365

Movie: Princess Diaries 2

Queen Mia - pwede ako na lang ang King mo =)) Jusme po Anne Hathaway to eh >////< Anyway, kung yung Princess Diaries 1 ay tungkol sa pagiging invincible at bullying at usapang courage, aba level up ang kwento ni Mia dito, ume-engagement pa. Well 21 na sya. In real life (lalo na sa mga mayayaman or minsan kahit sa mga middle class) May mga magulang talaga na sasabihin sayo - wag dyan, ayoko dyan, sya ang gusto ko para sayo. Pero ang true love hindi nadadaan sa arrange date chuchu blah blah ek ek or sa naging tradition ng pamilya. Aba true love ang usapan baka pwede kang mamili ng makakasama mo habang buhay di ba? I thought si Michael (leading man nya sa PD1) ang true love ni Mia pero in the end naging friends lang sila which is good.

Pwedeng ang true love mo ay magiging enemy mo muna, like Nicholas. Aso’t pusa sa umpisa pero naging love birds sa huli. Kaya kayong may mga kinaiinisang tao dyan ingat ingat baka sa huli sya ang makasama mo sa harap ng altar :p

this scene - one of my favorites <3

Tagged from weird-manicdepressive-girl

RULES:

Kopyahin ang rules at disclaimer.

  • Pwedeng gumamit ng English/Tagalog.
  • Mag-share ng 8 random facts tungkol sayo.
  • Sagutin ang 8 questions na galing sa blogger.
  • Mag-recommend ng 8 bloggers.
  • Gumawa ng 8 tanong para sa mga ni-recommend mong bloggers.
  • I-inform mo yung blogger na ni-recommend mo sya sa BALIKADA game (in case na hindi nila mabasa ang post mo or hindi sila mag-back read sa dashboard)
  • Hindi mo pwedeng isali ang taong nag-recommend sayo.
  • Message mula sa blogger na nag-recommend sayo.

ENJOY!

Unahin ko na yung message ko kay weird-manicdepressive-girl. Hi bunso, biruin mo sinali mo pa talaga ako dito. Yung sabi ko sayo wag kang mahiya next time na may meet. Bawal tahimik ha, hindi masamang mag-ingay or magkaroon ng kasamang maiingay. Masaya nga yun lalo na kung ‘friends’ mo naman ang mga kasama mo ;)

8 RANDOM FACTS

  1. Meron akong tatlong stuffed toys. 2 Tigers and 1 Lion.
  2. First time kong bumili ng Happy Meal (para sa sarili ko) nong si Super Mario ang promo ng Mcdo.
  3. Meron akong Yu-Gi-Oh decks / cards collection (I know hindi sya original or should I say Class A lang yung mga cards na hawak ko)
  4. Mahilig akong magkukuha ng picture, pero pag ako na yung kukunan, kulang na lag magtago ako sa lahat ng pwede kong pagtaguan.
  5. Hindi ako consistent sa body work out ko. Once na nakikita ko na may pagbabago na ng konti - humihinto na ako then pag wala na - ulit uli sa work out (mostly sa abs part lang naman)
  6. Hindi ako naninigarilyo. Inom pag naglalambing lang ang barkada tulad ng birthday ni ganto or okasyon like pasko and bagong taon - pero ang inom is dalawng shot lang then tapos na.
  7. Naging takatak boy (nagtitinda ng sigarilyo at candy) ako nong high school and first sem ng college ko.
  8. Hindi ako nanonood ng TV for news, pero nagbabasa ako ng dyaryo for sports news.

8 BLOGGERS

8 QUESTIONS FROM weird-manicdepressive-girl

1. Bakit mo nagustuhan si special someone? 

Pwede na ba kitang tawaging special someone breathemybreath 

HAHAHAHA! Actually wala akong pwedeng masabing special someone ngayon - singleness ang kuya nyo eh

2. What makes you beautiful?

Too bad hindi ako beautiful :(

3. Kung magiging pusa ka, anong kakakainin mo, tinik o daga? :D

4. Kung may isang tao ka mang gustong gustong patayin, sino at bakit?

5. Kilala mo ba ako?

Sa pangalan at sa URL, ou - hanggang doon lang. But kung hahayaan mo kong makilala pa kita ng mas mabuti bunso, bakit hindi?

6. Anong tingin/pagkakakilala mo sakin? :D

Mahiyain (okay given na yun kasi yun naman talaga ang napansin ko sayo nong first time kitang nakita sa MU.

7. Bakit ko kaya naiisip tong mga walang kwentang tanong na to?

8. Bakit mo to sinasagutan?

Kasi nag-tanong ka, so sasagot ako.

8 QUESTIONS FROM ME:

  1. Movie date / concert date or theme park date? Why?
  2. Favorite fictional character? (Anime, books, movies) Why?
  3. Minsan ka na bang naging anon hater sa isang blogger? Bakit?
  4. Ano ang pinaka-kilig moments na ginawa sayo ng isang tao?
  5. Ano pinaka-masakit na sermon na nakuha mo sa magulang mo?
  6. Naniniwala ka bang may mga supernatural creatures like mermaid, werewolf, vampires, ghost or alien? Bakit?
  7. Unang bansang gusto mong puntahan kung magta-travel ka? Bakit?
  8. Napasok ka na ba sa sitwasyon na kailangan mong mamili sa dalawang tao / bagay? Pa-kwento please.

DISCLAIMER

Why 8? Bilang tayo B-A-L-I-K-A-D-A! 8 Letters ;) Ang game na’to ay first step para makilala mo/natin ang ibang members ng BALIKADA. As much as possible i-recommend mo sana yung members na hindi mo masyadong nakaka-usap, just remember kung para saan ang game na to. Huwag kalimutan ang tag - “BALIKADA” 

Reader Number 22/xxx

image

  • Bloggerrandombbyy | Cristina 
  • Likes: Reading 
  • Status: Inactive

  • Blog:

image

Madaming long post, masarap mag-backread kasi simple white yung theme kaso inactive na si Tinay. Hey pag nag-open ka usap na tayo ha para may manlilibre sakin ng foods :))

What if the third key is someone who isn’t dead… but will be.

Movie Challenge 241/365

Movie: Princess Diaries

Ang tranformation mo beh, bakit ganyan - nakaka-inlove talaga si ultimate crush <3 <3 <3

Wala bang movies na ganto ang kwento pero lalake naman ang bida - para mas maka-relate ako. Pisti hindi lang naman mga babae ang may gantong kwento eh (okay hindi kasama yung royal family, I mean yung ‘invincible' thing sa paligid).

Tumulo ang uhog ko este ang luha ko don sa scene na binabasa na ni Mia yung letter ng father nya para sa 16th birthday nya (I-explain ko ba ulit? Alam naman nyo na ata ang issue ko pag tatay na ang usapan) Relate ako don sa bully thing dahil minsan din akong na-bully during my grade school and high school days (and I guess doon hindi na-develop ang confidence ko) Oh sya unfair nong movies eh, pang babae talaga =)) Pero maganda talaga si Anne Hathaway. 

WTF DEPUTY PARRISH! =))